Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Ogie Alcasid, Rocco Nacino, JM De Guzman and Marian Rivera

Ogie Alcasid

As of this writing ay expired na ang kontrata ni Ogie Alcasid sa GMA Network and who knows kung siya ba ay pipirma pa ng kontrata sa naturang network. Ayaw muna magsalita ni Ogie ukol sa negotiations ng kanyang manager sa TV 5 at GMA network. Pero ang sabi ni Ogie ay magpapahinga muna siya. Inamin ni Ogie na nasaktan siya nung tanggalin ng GMA Network ang kanilang Party Pilipinas pero sinabi niya na yun ay management decision at wala siya magagawa. Itinatanong ng iba kung ito raw ba ang dahilan kung kaya lilipat siya ng network? Ngiti lamang ang isinagot ni Ogie na para nagpapahiwatig na lilisanin na niya ang network na kinabilangan niya sa loob ng kung ilang taon. Sa nangyayari ngayon, nagpapahinga siya at tila tinitimbang ang offer sa kanya ng parehong network, ang TV5 at ang GMA-7.

Rocco Nacino

. Ang Kapuso actor na si Rocco Nacino ang kapalit ni JM de Guzman sa biofilm na San Pedro Calungsod, Batang Martir, official entry sa 39th Metro Manila Film Festival sa December 2013. Ayaw raw ng ama ni JM na mag-take ng risk ang production, sakaling magkaroon ng “aberya” sa daloy ng shooting nang dahil kay JM na diumano’y may mabigat na pinagdaraanan. Ang hinala ng marami ay dahil sa lovelife ni JM. Nagsimula raw nagkaroon ng problema kay JM nung nag-break sila ni Jessy Mendiola pero ayaw nang magsalita pa ng ama ni JM ukol dito., Umaasa ang mga producers at direktor na mgiging maayos ang takbo ng pagsasagawa ng pelikula at matapos nila ng maayos ang pagsasapelikula ng buhay ni San Pedro Calungsod.

 

JM de Guzman

. Bukod kay Ogie Alcasid ay matatapos na rin ang kontrata ng isa pang ipinagmamalaking Kapuso star na si Marian Rivera. Ngayong taon ang pagtatapos ng kanyang kontrata. Tinatanong siya kung siya ba ay may balak na lumipat ng ibang network. Wala pang final decision si Marian Rivera kung mananatili siyang Kapuso kapag nag-expire na ang kanyang kontrata sa Agosto.
Saad ng Kapuso Primetime Queen, “Ang kontrata ko po sa GMA hanggang August pa, kaya hanggang August pa po ako sa kanila. “Mahaba-haba pa po ang panahon. May manager naman din po ako na nagde-decide para po sa akin. “Kung ano pong mas makakabuti at mas makakaganda sa career ko. “Pero bilang respeto din po sa GMA, hanggang August pa po ako sa kanila at napakabait at mahal nila ako. “Yun naman talaga ang masasabi ko sa Kapuso.”

Marian Rivera