Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pungko Pungko

Ang Pungko Pungko ay street food stalls na popular sa Cebu na nagbebenta ng iba’t ibang klase ng fried foods.

Sangkap:

Deep Fried Items

  • 700 g pork intestines, linisin at hiwain
  • 700 g fatty pork cuts (pork cheeks, belly, neck o shoulder chops), hiwain
  • 20 pirasong Lumpiang Shanghai
  • 1 tasang cornstarch
  • 3 itlog, batihin
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 kutsaritang asin
  • mantika, pang deep fry

Pakuluing likido

  • tubig
  • 1 buong ulo ng bawang
  • 1/4 tasang suka
  • 2 kutsarang asin
  • 1 kutsarang pamintang buo

Iba pa:

sawsawan

Paraan:

1. Sa kaserola, ilagay ang hiniwang lamang-loob at baboy. Lagyan ng tubig na tama lang para matakpan ang bituka. Pakuluin sa loob ng 30 minuto. Kapag kumulo na, i-drain at banlawan ang bituka sa running water.
2. Sa isang malinis na kaserola, maglagay ng 4 na tasang tubig at ilagay ang lahat ng sangkap ng pakuluing likido. Ihalo ang pinakuluang bituka at baboy, at pakuluin ulit at hayaan kumulo sa loob ng 30 minuto. Pagkatapos ay i-drain at hanguin ang mga lamang-loob at itabi para lumamig .
3. Sa mangkok, ilagay ang binating itlog, bawang at asin.
4. Sa plato, maglagay ng cornstarch.
5. Ilubog ang mga karne sa egg mixture, hanguin at ilubog sa corn starch at i-deep fry sa 180 degrees sa mainit na matika (deep fryer) at i-prito ang mga karne at lamang loob hanggang magkulay brown ito. Mga 10-12 minuto ang tagal ng pagluluto para ma-achieve ang golden brown na kulay. Pagkatapos ay alisin sa kawali at itabi.
6. I-deep fry ang lumpiang shanghai hanggang magkulay golden brown it. Hanguin at itabi.
7. Ilagay ang lahat ng na deep fry na karne sa isang malaking platter at ihain na may kasamang sawsawan at mainit na kanin.

Recipe and photo credits from www.angsarap.net For more recipes, visit the site.