Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Guidelines Para sa New Normal

Ang pagbubukas muli ng parks and recreations, attractions, restaurants at mga department store ang hudyat ng bansang Japan na handa sila sa pagsalubong sa bagong normal.

Ayon na rin sa Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe, kailangan ng bansa na ipagpatuloy ang pang araw-araw na buhay. Ito ay makakatulong sa ekonomiya ng bansa. At dahil dito ay ni-lift na nila ang state of emergency sa natitirang lugar ng Japan na kailangang isara bunsod na rin ng pag i-ingat dahil sa salot na COVID-19.

Ang paliparan ay may safety guidelines din sa kanilang reopening. Sumangguni sa airport office kung kasama sa listahan ng mga bansa ang hindi pa pwedeng pumasok sa Japan, bukod sa 111 countries na kasama ang United States, Canada, at halos lahat ng bansa sa Europe ang hindi pa pwedeng pumasok sa Japan.

May ilang airlines tulad ng All Nippon Airways, Jetstar at AirAsia ay nagpapatupad ng No Mask No Entry policy. Ang mga pasahero naman sa Japan Airlines ay hindi nagre-require na mag-mask pero may ipinatutupad silang social distancing sa pagitan ng mga pasahero sa pamamagitan ng empty seating protocol. Lahat ng mahahalagang guidelines at impormasyon bago sumakay ng eroplano, mangyari sumangguni sa kani-kanilang website para maging maayos ang paglipad at walang hassle.

Ang bawat prefectures ay pinapayagang mag-impose ng kani-kanilang reopening rules lalo na yung mga papunta sa mga attractions tulad ng Hiroshima Peace Memorial Museum at Hiroshima Castle. Ang National Museum of Modern Art sa Kyoto ay nagbukas na pati ang National Museum of Art sa Osaka.

Maging ang theme parks sa buong bansa ay may kanya-kanyang safety guidleines na dapat sundin upang maiwasan ang physical distancing at kailangan pa rin ng mask lalo na sa mataong lugar.

Ayon sa gobernador ng Tokyo na si Yuriko Koike, ang pagbubukas ng Japan ay nagsisilbing pagsasara ng isang kabanata ng history ng Japan at pagbubukas ng isa pang kabanata. Marami pa anyang dapat gawin para tuluyang mapuksa ang coronavirus para maka-move on ang buong mundo.

Isa sa transistions ay ang pagbubukas muli ng paaralan, library at museum. Ang restaurants na pinapayagang magbukas ng mas matagal kesa sa normal operating hours nila. At susunod na diyan ang theaters at sports facilities, clubs, karaoke at music houses.

Kung sa Japan ay unti-unti nang nagbubukas, gayundin ang Pilipinas. Na-lift na rin ang lockdowns upang itayong muli ang bagsak na ekonomiya ng bansa. Ang new normal na dapat yakapin ng mamamayan para mabuong muli ang nawasak na ekonomiya ng bansa. Pero paalala ni Pangulong Duterte, nagbukas man unti-unti ang bansa, na naka-quarantine pa rin ang Pilipinas. Dapat ay mag-ingat at magsuot ng mask at i-observe ang physical distancing para maiwasan ang second wave ng infection.

Shops Reopen in Tokyo

As of this writing ay marami na ring nagbukas ulit na shops sa Tokyo, umaasa silang unti-unting makabangon sa pagkalugi dahil sa lockdown na dulot ng Covid-19. Narito ang ilang updates;

Aeon – Ang mga supermarket at affiliate nito ay mananatiling bukas maliban sa ilang shops na nagre-renta sa Aeon Mall shopping facilities sa Tokyo at sa ibang prefecture. Nagbukas na noong May ang 42 Aeon Malls at 19 prefectures sa ibang lugar na nagbukas pero limitado ang oras (10 a.m. hanggang 7 p.m.). Naglagay din ng priority checkout lanes at takdang oras ang ilang Aeon supermarkets para sa matatanda o elderly, mga buntis at iba pang high risk sa Covid-19.

Bic Camera – Halos lahat ng Bic Camera branches nationwide ay binuksan pero limitado rin ang oras. Ilang lokasyon sa Tokyo, Kanagawa, Chiba, Hokkaido, Aichi, at Okinawa prefectures ay mananatiling sarado until further notice.

Big Echo – Nag-resume ang Big Echo at ilang karaoke shops nito sa 24 Prefectures, pero ang ibang stores sa ibang lugar ay nananatiling sarado until further notice.

Daimaru, Matsuzakaya – Ang Daimaru Tokyo, Matsuzakaya Ueno at Daimaru Sapporo department stores ay nagbukas ng kanilang grocery section sa weekdays lamang at may limitadong oras.

Keio – Ang Keio Shinjuku at Keio Seisekisakuragaoka department stores ay bukas ang grocery section pero limitado ang oras ng operasyon at ang ilang floors nila ay mananatling sarado until further notice.

Lumine – Ang Lumine Ikebukuro, Lumine Yurakucho at Lumine Est Shinjuku ay mananatiling sarado until further notice. Ang Lumine Shinjuku, Lumine Machida, Newoman Shinjuku at 8 ibang Lumine shopping centers sa Tokyo, Kanagawa at Saitama prefectures ay bukas ang grocery section.


New Normal Guidelines in Philippines


Katulad ng Japan ay nagbukas na rin ang Pilipinas pero mayroon safety guidelines na inilatag ang bawat LGU (local government unit) na dapat sundin ng kanilang nasasakupan para maipatupad ang new normal. Ang pinakamahigpit na guideline ay ang pagsusuot ng mask kapag lalabas at magkaroon ng physical distancing para makaiwas sa banta ng virus infection. Sa bawat local government ay naguutos na magkaroon ng COVID-19 testing ang bawat empleyado na sasagutin ng employer nila gamit ang Food and Drug Administration-approved testing kits. Kapag hindi ito sinunod ng employers ay maaari silang matanggalan ng business permits.

Ang Protective gear tulad ng face masks at hygiene essentials tulad ng hand sanitizers, alcohol at doormat disinfectant ay required rin para gamitin ng mga nagtatrabaho.

Hotels and Accommodations


Nag-release din ng guidelines ang Dept. of Tourism para sa hotels at inn sa ilalim ng new normal.
Ang mga essential business establishments na nag-offer ng pansamatalang matutuluyan sa guests sa panahon ng COVID-19. Ang mga hotels, resorts, apartment hotels, tourist inns, motels, pension houses, ecolodges, serviced apartments, condotels, at bed and breakfast facilities.
Mahigpit ang safety guidelines na inilatag ng DOT para makasiguro na safe ang lahat ng guests habang nakikipaglaban pa rin ang buong mundo sa coronavirus.

Education (Online and Offline Classes)


Ang lockdown ay nagbigay ng panahon para makapag-bonding ang pamilya at naroon na rin ang mga magulang na hindi pinabayaan ang kanilang mga anak na ma-bored sa bahay at hindi puro laro lamang ang inaatupag. Nag-home school din sila. Pero after ng ilang buwan na dapat nang buksan ang schools ay pinag-debatehan muna dahil hindi pumapayag ang mga magulang na pumasok sa school ang kanilang mga anak at i-expose sa nakaambang panganib ng coronavirus.
Pinag-isipan ng mabuti ng gobyerno at DepEd kung ano ang gagawin. Tulad sa ibang bansa, sila ay nagkaroon ng home schooling sa pamamagitan ng computer at zoom. Dito ay parang nasa loob din ng classroom ang mga bata at nasa harap nila ang kanilang teacher pero nasa convenience sila ng kanilang tahanan.

Restaurants:


Tulad ng hotels and accomodations, ang restaurants din ay unti-unti nang nag-bubukas pero under safety guidelines din. Hindi na pwedeng punuin ang restaurant, bagkus ay 50% lang ang pwedeng pumasok at malayo sa isa’t isa ang tables. Ang policy nilang no mask no entry ay mahigpit na pinatutupad. At ang kalinisan ay mahigpit din pinatutupad para maging safe din ang mga empleyado ng restaurants.