Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Protektahan ang tobacco farmers

“Local tobacco planters should be protected from the expected thriving cigarette black market through smuggling as a result of a 708% tax hike on tobacco products.”

Ito ang pahayag ni Zambales Rep. Milagros ‘Mitos’ Magsaysay, kasunod ng paghikayat sa mga senador na ikonsidera ang interes ng local tobacco farmers sa panukalang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa produktong tabako.

Kung magiging batas umano ang panukalang dagdag buwis sa tobacco products, nag-aalala siyang maaaring bumagsak ng 50% ang ‘market volume’ nito dahil tiyak na magiging talamak umano ang smuggling sa bansa ng mga imported na sigarilyo.

“We should give weight to those who have put up investments and employment plus buy our tobacco farmers produce over those who will just import and make the farmers abroad to the detriment of our own,” dagdag pa ni Magsaysay.

Samantala, kinastigo ni Blake Dy, vice president ng Associated Anglo American Tobacco Corp. (AAATC) ang pahayag ng ilan na wala raw magiging epekto sa tobacco industry ang pagtaas ng buwis sa sigarilyo at iba pang produktong tabako. Aniya, kung ipapatupad ang mataas na buwis sa sigarilyo maaari umano na magbibigay lamang ito ng opsyon sa consumers na bumili ng mura subalit mga sigarilyong smuggled naman.- (Phistar)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *