Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Environmentalists dismayado

Ang patuloy na aktibidad ng mga illegal loggers ang nagbigay ng disgust sa grupo ng mga environmentalist sa kabila ng inilabas na kautusan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na pagbabawal sa pagputol sa mga puno sa kagubatan sa bansa.

Dahil dito, hinihingi ng grupo ang pagsasaayos sa puwesto mula kay DENR Secretary Ramon Paje at 31 regional at provincial environment officials sa eastern at southern Mindanao matapos ang nabukong pagpupuslit ng mga pinutol na kahoy.

Hiling nila sa pamahalaan na magsagawa ng malawakang balasahan lalo na’t kinumpirma umano mismo ni Paje na may nagaganap na sabwatan sa pagitan ng illegal loggers, local government officials, pulisya at taga-DENR.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, na sa kabila na Executive Order na ipinalabas ng Pangulo kaugnay sa pagbabawal ng illegal logging mahigit isang taon na ang nakakaraan ay tuluy-tuloy pa rin ang naturang ilegal na operasyon.

Dahil dito maraming dapat na ipaliwanag ang naturang opisyal dahil sa mga lugar na nasasakupan ng mga ito nakita na kinukuha ang mga pinutol na punongkahoy.-(Abante Tonite)