Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

Pope Francis bibisita sa Tokyo, Hiroshima at Nagasaki

Inanunsyo na ng Vatican ang pagdating ni Pope Francis sa Japan. Mula sa Bangkok, Thailand, ang Santo Papa ay darating sa ika-23 hanggang ika-26 ng Nobyembre.

Sa ika-24 ng Nobyembre, ang Santo Papa ay bibisita sa Nagasaki upang magbigay mensahe patungkol sa nuclear weapon sa isang parke kung saan naroon ang hypocenter ng pambobomba ng atomic noong 1945. Ang Santo Papa ay kilala bilang isang taga-taguyod ng pagpapawalang-bisa ng nuclear weapons sa buong mundo. Bibisitahin rin niya ang Nishizaka Park upang magbigay-pugay sa 26 na Martyr Saints na namatay noong late 16th century. Pagkatapos, ang Santo Papa ay magkakaroon ng misa sa Nagasaki Baseball Stadium. Sa gabi naman, ang Santo Papa ay magbibiyahe patungong Hiroshima para sa pagpupulong ng kapayapaan.

Sa ika-25 ng Nobyembre, sasalubungin nina Emperor Naruhito at Prime Minister Shinzo Abe ang Santo Papa sa Tokyo. Makikilala rin ng Santo Papa ang mga nakaligtas sa lindol at tsunami noong Marso 2011. Magkakaroon din ng misa sa Tokyo Dome.

Sa huling araw, ang Santo Papa ay magbibigay ng mensahe sa Sophia University bago bumalik sa Vatican. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official website https://popeinjapan2019.jp/en/.