Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pondo para sa Mindanao

Ibibigay Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Authority (NIA) sa Mindanao ang karamihan sa kanilang pondo at manpower sa tinaguriang ‘Lupang Pangako’. Ayon kay Secretary Proceso Alcala, DA Secretary, dadagsa ang pondo para sa pangangailangan ng mga magsasaka sa probinsiya ng Mindanao.  Sinabi naman ni NIA Administrator Antonio Nangel, nagbilin si Pangulong Aquino na bigyan ng pansin ang kalagayan ng Mindanao na matagal na ring napabayaan. Puspusan ang kanilang pakikipagpulong sa mga magsasaka upang malaman nila ang mga pangangailangan ng mga ito. Ayon kay Alcala, ito raw ang tamang panahon upang bigyan prayoridad ang Mindanao na napabayaan ng dating mga administrasyon dahil malaki rin naman ang naiambag nito sa food basket ng Pilipinas hindi lamang sa bigas at prutas kundi maging sa iba pang pagkain.- (Abante-Tonite)