Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Habitat Youth Council nagdaos ng 1ST GM Leadership Congress

Idinaos ang unang Generation Movers Leadership Congress ng Habitat for Humanity Philippines (HFHP) at Habitat Youth Council (HYC).  Ang ilan sa kanilang agenda ay ang poverty alleviation, disaster risk mitigation, at community development, mga estudyante sa kolehyo ang nakibahagi. Sa unang-unang leadership congress na ito ay nakita ang pagpapalitan ng ideya at pagpaplano at kasama na ang paghalal ng mga opisyal. Ang General Movers ay itinatag ni Alexandra Eduque na may 38 lider miyembro.  Ang layon nila ay upang makapagbigay suporta sa Habitat for Humanity Philippines at naniniwala din sila na ang pagbibigay ng lakas sa kapwa kabataan ay isang paraan upang mabago ang mukha ng lideratong kabataan. Ang mga opisyal ng GM ay sina John Michael Lava; Greg Emmanuel Villahermosa; Ron Jerril Amba; Anna Resente; Ferdinand Fevidal; Mark Cordero; April Valencia; Michael Villorente; at Miguel Mapa.