Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Police Visibility sa Darating na Undas, Nakakasa na!

Sa tuwing darating ang Undas ay laging pinapakalat ang mga pulis sa iba’t ibang dako ng mga sementeryo sa buong Pilipinas upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paligid.

Ngayong darating na Undas ay mas pinaigting pa ng Kapulisan ang gagawin nilang pagbabantay at pagpapatrulya upang maiwasan ang kung anumang untoward incident na mangyayari.

Syempre kapag abala ang lahat sa pagpunta sa puntod ng kani-kanilang mga mahal sa buhay, maiiwan ang kanilang tahanan kaya naman angmga puis ay ikakalat sa lahat ng lugar para mabantayan ang bawat pamayanan.

Sa mga sementeryo man  ay makakakita ka ng mga pulis na aasiste sa mga taong pupunta roon at para na rin mapanatili ang kaayusan ng lugar.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson P/Lt. Col. Dexter Versola, maguumpisa silang magpakalat ng pulis sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 para masigurong magiging maayos ang lahat.