Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

12 Bilyong budget para sa NFA, inilatag ng DBM

Nagpahayag ang Department of Budget (DBM) na dinagdagan nila ng budget ang National Food Authority ( NFA).

Layon nito ay upang magkaroon ng stock ang Pilipinas ng sapat na bigas lalo na ngayong panahon ng maraming kalamidad, kasama na riyan ang global food crisis.

Ayon pa rin kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, kailangan pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ng mga tao lalo na ang food security para mapanatiling may bigas na mabibili sa merkado sa murang halaga na isa sa ipinangako ng Pangulong Marcos.