Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

PNP official kinasuhan

Isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang kinasuhan ng Office of the Ombudsman matapos mapatunayang hindi umano nagdeklara ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) at pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na kayamanan.  Limang kaso ng perjury at dalawang kaso ng paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) ang kinakaharap ng akusadong si Chief Supt. Eugene Gabriel. Nag-ugat ang kaso sa reklamong isinampa ng Fact-Finding Investigation Bureau ng Office of the Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices, na nagsasaad na hindi tugma ang kayamanan ng akusado sa tinatanggap nitong suweldo.-(Abante-Tonite)