Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pangkusina daw, peke pala

Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC)  ang mga pekeng brand ng pantalon, pampaganda at iba pang produkto na nagkakahalaga ng P60 milyong halaga na unang idineklarang mga gamit umano sa kusina.  Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, misdeclared ang shipment ng Telsphere International Trading Corp. (TELSPHERE) na dumating sa Port of Manila noong Agosto. Idineklara umanong  gamit sa kusina ang mga ito, dahilan upang makapasok ito sa nabanggit na pantalan.

Kabilang sa mga nakumpiskang pekeng gamit ay ang brand ng Adidas, Abercrombie, Levis gayundin ang motorcycle parts at tire brands (Michellin at Dunlop) beauty products (L’ Oreal) at food products na dapat ay mayroong clearance mula sa Food and Drugs Administration.-(Abante-Tonite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *