Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pinoy Shawarma Rice

Sangkap:

Pinoy Shawarma Rice

·         Shawarma Rice

·         Grilled Tapa

·                Garlic Sauce

·         Hummus

Rice

·         2 tasang jasmine rice

·         2 tasang tubig

·         6 kutsarang margarine

·         1 kutsaritang safflower (kasubha) o a pinch ng saffron

·         2 kutsarang toasted garlic

Side Salad

·         1 cucumber, hiwain

·         2 malaking kamatis, hiwain

·         1/2 ulo ng lettuce, tadtarin

 

Hummus

·         2 tasang lutong chickpeas o garbanzos

·         1/4 tasang tahini

·         1/4 tasang lemon juice

·         2 kutsarang mayonnaise ( para mas creamy)

·         2 kutsarang olive oil, dagdagan pag ihahain na

·         1 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit

·         1 kutsaritang parsley, tadtarin

·         1 kutsaritang asin


Paraan:

1.      Ilagay ang lahat ng sangkap sa food processor, i-blend hanggang maging smooth.

Garlic Yoghurt Sauce

·         125 g natural yoghurt (Greek o Indian)

·         1 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit

·         1/4 kutsaritang asin

Grilled Tapa

·         750 g beef rump steak ( 2 hanggang 3 piraso)

·         1/4 tasang toyo

·         1/4 tasang suka

·         4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit

·         1 kutsaritang paminta

 

Paraan:

Garlic Yoghurt Sauce

1.      Ihanda ang  Garlic Yoghurt Sauce, ilagay ang;ahat ng mga sangkap niyo sa isang mixing bowl.

2.      Ilagay sa ref para i-chill.

Rice

1.      Hugasan ang bigas sa dumadaloy na tubig para maalis ang starch nito.

2.      Ilagay ang lahat ng sangkap sa rice cooker at iluto.

3.      Kapag naluto na ay ibukas ang rice cooker at hayaang nakabukas ang takip.

Grilled Tapa

1.      Pagsamahin ang lahat ng grilled tapa sa isang mixing bowl maliban sa beef. Haluin maigi.

2.      Ihalo ang beef at hayaang mababad sa buong magdamag sa loob ng ref.

3.      Alisin ang beef mla sa ref 2 oras bago iluto. Ihanda ang ihawan at ihawin ang beef sa mataas na apoy, iluto 4 na minute bawat side depende sa kapal ng beef.

4.      Hanguin ang beef mula sa ihawan at itabi sa loob ng 5 minuto.

5.      Hiwaing manipis at ilagay sa plato at itabi.

Pinoy Shawarma Rice

1.      Para i- assemble, maglagay ng  1 1/2 tasa ng kanin sa plato.

2.      Ilagay ang sangkap ng salad sa gilid ng plato.

3.      Ilagay sa ibabaw ang hiniwang inihaw na tapa.

4.      Lagyan (Drizzle) ng garlic yoghurt sauce sa ibabaw.

5.      Ihain na may kasamang hummus sa gilid.


Note:

Pwede ring i- drizzle ng konting sweet chilli sauce sa ibabaw para sa karagdagang lasa o flavor.

Photo and recipe credits: www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *