Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pinoy, Ayaw nang mag-face mask?

Noong ideklara ng IATF na ibaba na sa alert level 1 ang karamihan sa mga lugar sa Metro Manila ay marami na ring mga businesses ang nagbalik na sa kanilang normal na Gawain. Maging ang traffic ay bumalik na at ang mga tao ay hindi na rin mapigilang mamasyal kung saan saan.

Ang napansin lang ng DOH at ilang ahensiya ng gobyerno, masyadong nagging kampante ang mga Pinoy dahil sila na mismo ang lumalabag sa panuntunan ng DOH.  Mapapansin nating hindi lahat ng Pinoy ay sumusunod pa sa health protocols. Ang isang magandang halimbawa na lang diyan ay ang mga rally ng mga pulitiko sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Makikita ang pagsisiksikan ng mga tao para lamang masilayan ang mga artista na nagko-concert bilang handog entertainment ng mga pulitikong tumatakbo pero hindi nila alintana ang panganib sa pagdidikitan nila at karamihan pa ay walang suot na face mask.

Ito ay ini-report ni DILG ( Department of Interior and Local Government) Eduardo Año kay Pangulong Duterte.   Ang pagiging kampante umano ng mga Pinoy dahil sa alert level 1 ay maaaring magdulot ng pagtaas muli ng covid cases sa bansa, lalo pa at mayroon pang mga aktibo at mataas na kaso ng covid variant sa karatig bansa.