Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Dingdong Dantes- Nagbabalik bilang game master sa “Family Feud”

Ang pinaka-sikat at paboritong game show sa buong mundo na Family Feud ay muling nagbabalik sa GMA Network.

Naka-set na ang A-game show na ito ay si Kapuso actor Dingdong Dante sang napagkatiwalaan upang mag-host sa naturang game show. Feeling grateful at buong pusong nagpapasalamat si

Dingdong sa tiwalang ibinigay sa kanyang ng GMA Network upang i-host ang naturang game show.

Nung ginawa ko siya noong 2009, nakamarka sa akin yung experience ko doon. Kumbaga, kahit sabihin natin na hindi ko na siya gawin ngayon, ‘yun yung isa sa mga pinaka-memorable ko na trabaho dito sa Network na ito dahil binigyan nila ako ng chance to host Family Feud,” paglalahad ni Dingdong.

Ang Family Feud ay isa sa  longest-running game shows sa buong mundo at ang paggawa ng local version nito ay isinagawa sa pagsangguni sa mga Pinoy viewers para magkaroon ng twist at uniqueness na makaka-relate sa mga manonood.

We have big shoes to fill dahil sobrang sikat siya all over the world and personally isa rin akong fan ng style ni Steve Harvey. Pero siguro ang kagandahan dito, ‘yung mga tanong pa lang kasi very Pinoy na. Doon pa lang very relatable na kaya magiging super relaxed na lahat ng nanonood,” sabi pa ni Dingdong.

Bukod sa kanyang charm at confidence at ang natural talent niya sa pagiging isang host, makikita rin ang fun side ng pagho-host ng naturang popular na programa, “Ang pagkakaiba talaga dito yung aspeto na kahit na sabihin natin na ako yung host o game master, e, naglalaro din kasi ako. Kumbaga, kahit nagpa-facilitate ako ng game, kahit ako mismo nakikisama ako sa laro e. Dahil sobrang saya kasi niya. Talagang enjoy siya.

Magu-umpisa ang tunggalian sa pagitan ng 2 pamilya ( apat sa isang pamilya) na magtatagisan ng talino sa pamamagitan ng paghuhula ng mga pinaka-popular na sagot sa popular na survey.  Ang magwawagi ay magu-uwi ng P100,000 plus karagdagang P100,000 pa kung mapapanalunan nila ang jackpot round. Samantala, ang hindi naman papapalring pamilya ay magu-uwi ng  P50,000.

Hindi lang ang mga contestants sa telebisyon ang magkakaroon ng pagkakataong magwagi ng salapi kundi maging ang mga manonood rin sa telebisyon ay magkakaroon ng tsansa na Manalo ng cash prizes kahit nanonood sila sa kani-kanilang tahanan. Ito ay sa pamamagitan ng ‘Guess To Win’ promo.

Lahat ng manonood na Pinoy na may edad 18 pataas at naninirahan sa Pilipinas ay maaaring sumali.  Ang mga participants ay kailangang nanonood para masagot nila ang 3 katanungan na ipa-flash sa screen.  Lahat ng mga entries ay kailangan i-submit sa website ng GMA Network, www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessToWin.   At ang deadline ng submission of entries ay habang umeere lamang sa telebisyon ang game show.  Magkakaroon ng 5 mapapalad na winners ng P20,000 bawat episode, para sa total na  25 winners kada linggo na bubunutin ng host. At ang mananalo weekly ay ipo-post ang pangalan sa social media accounts ng programa.

Marami ang nasasabik na mapanood muli si Dingdong sa game show dahil bukod sa iba pang shows na  ginagawa ni Dingdong sa GMA 7 ay kakaiba naman ang Family Feud.  Ang Family Feud ay pampamilya kaya naman siguradong pati ang pamilya ni Dingdong ay manonood at ie-enjoy ang show.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *