Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pinaso

Ang Pinaso, ay isang dessert na popular sa Bulakan. Ito ay nag-originate sa Mexico noong panahon ng Manila-Acapulco Galleon Trade. Ang gamit sa pagpe-prepara nito ay itlog, gatas at biscuits o crackers at sa ibabaw ay asukal ang nakabudbod at kina-caramelized ito sa pamamagitan ng mainit na siyanse. Ito ay nahahawig sa lasa ng leche flan, crème brûlée at pudding.

Sangkap:
  • 400 ml evaporated milk
  • ¾ cup granulated sugar
  • 4 packets (12 pcs) saltine crackers
  • 5 itlog
  • 1 tbsp lemon or dayap, i-grate
  • 1 tsp vanilla
Paraan:
  1. Sa kaserola, pagsamahin ang gatas, itlog, crackers, ½ tasang asukal, balat ng lemon at vanilla. Iluto sa mahinang apoy at haluing mabuti hanggang ang sauce ay lumapot.
  2. Ilagay ang ¼ tasa ng asukal sa ibabaw.
  3. Kung may culinary torch ay gamitin iyon para i-caramelize ang asukal, kung walang culinary torch ay mainit na siyanse ang gamitin. Ilagay sa ibabaw ang siyanse at saka idikit ito sa asukal para ma-caramelize ito.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net