Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Lapu-Lapu de la Reyna

Ang Lapu-Lapu de la Reyna o Steamed Lapu-Lapu with Mayonnaise ay Filipino dish na may steamed fish na may mayonnaise at napalibutan ng makulay na gulay tulad ng capsicum, carrots, red onions, pickle relish at eggs. Kadalasan ay lapu-lapu ang ginagamit dahil sa ito ay malaman. Maaari ring gamitin ang ibang klase ng isda basta malaman ito.

Sangkap:

Fish

  • 1 buong Lapu-lapu (grouper) o Maya-Maya (snapper), alisin ang bituka at kaliskisan
  • 3 tangkay ng spring onions, tadtarin
  • juice mula sa 1 lemon
  • asin
  • paminta

Garnish

  • 1 tasang mayonnaise
  • 1 bell pepper (pula), hiwaing maliit
  • 1 malaking carrot, tadtdarin
  • 4 nilagang itlog, i-separate ang pula ng itlog, tadtarin
  • 3/4 tasang sweet pickle relish
  • 1 malaking sibuyas na pula red onion, tadtarin
  • 2½ tasang tubig
  • ½ tasang asukal
  • ½ tasang suka
Paraan:
  1. Lagyan ng asin at paminta ang isda, lagyan ng lemon juice sa loob at labas ng isda at hayaang sipsipin ng inilagay na panlasa sa loob ng 15 minuto.
  2. Lagyan ng lemon skin ang bawat sulok ng isda (mula sa lemon na kinatas) at lagyan din ng dahon ng sibuyas (spring onions).
  3. Ilagay ang isda sa steamer at i-steam sa loob ng 25 minuto o hanggang maluto ang isda. Pagkaluto ay alisin sa steamer. Alisin ang lemon skin at spring onion mula sa loob ng isda at hayaang lumamig bago gawin ang susunod na procedure sa pagde-decorate ng isda. Dapat nasa room temperature ang isda o sa medyo malamig na pwesto ng kitchen.
  4. Sa sauce pan, pakuluin ang tubig, asukal at suka. Ilagay ang carrots sa salaan at i-dip ito sa kumukulong tubig sa loob ng 30 segundo at hanguin. I-drain ng mabuti at ilagay sa isang plato at hayaang lumamig. Gayon din ang gawin sa capsicum o bell pepper.
  5. Ilagay ang isda sa serving platter, i-coat ito ng mayonnaise at ilagay ng maayos ang tinadtad na gulay sa ibabaw ng isda. Ihelera ito ng maayos tulad ng ilagay ang pulang bell pepper muna at pagkatapos ay ang carrots, tinadtad na nilagang pula ng itlog, sweet pickle relish at sibuyas na pula. I-drizzle ang puti ng itlog sa paligid ng isda at saka ihain.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net