Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

District Ports, pinapurihan ng BOC

Pinapurihan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon ang tatlong pantalan na patuloy na gumagawa ng paraan upang makapag-akyat ng pinakamalaking koleksiyon ng buwis sa kaban ng pamahalaan.

Kabilang sa mga binigyan ng papuri ay ang Manila International Container Ports (MICP), Port of Manila (POM) at Port of Batangas na tinaguriang “three best district ports” na nakapag-ambag ng mahigit kalahati ng koleksiyon sa buwis mula taong 2006 hanggang 2010.

Sa kabuuan, ang koleksiyon ng limang nabanggit na mga pantalan at paliparan ang kumakatawan sa 91 porsiyento ng kabuuang koleksiyon ng ahensiya habang ang 12 mga pantalan at paliparan sa mga lalawigan ang kumakatawan naman sa nalalabi pang siyam na porsiyento.  Idinagdag pa ni Biazon na maituturing na “billionaires port” ang MICP, POM at NAIA habang ang Port of Batangas at Port of Limay ang itinuturing naman na “oil ports” dahil sa naturang mga lugar nag-iimbak ang karamihan sa mga kompanya ng langis na kanilang ina-angkat sa ibang bansa.- (Abante Tonite)