Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Php 90.5-B budget ng DILG sa 2013

Inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang budget nito para sa susunod na taon na tinatayang Php 90.5 bilyon. Ang budget na ito ay mas mababa sa kasalukuyang pondo nito na Php 92.8 bilyon. Nilinaw ni Executive Secretary Paquito Ochoa, officer-in-charge ng DILG, na ang pagkakaroon ng 3% na pagbaba sa budget ay sa dahilang paglipat ng pension fund ng ahensya. Sa susunod na taon ay aayusin ng DILG ang Philippine National Police sa pagdagdag ng 3,000 na pulis sa lahat ng presinto samantalang sa Bureau of Jail Management and Penology naman ay paliliitin ang ratio ng mga officers nito sa populasyon ng mga bilanggo na pinaglilingkuran nito. (Philippine Daily Inquirer)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *