Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

7 mahistrado, isnab kay Sereno

Sa unang flag-raising ceremony ng Korte Suprema sa ilalim ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, wala ang pitong associate justices sa seremonya ngunit kibit-balikat lamang ito at patuloy sa pasasalamat at panghihimok na magkaisa para sa mas malakas na hudikatura. Malinaw na ang pagkawala ng pitong associate justices ay isang malakas na pagtutol sa appointment ni Sereno. Ayon sa isang mahistrado na ayaw mapangalanan, nagdududa ang mga ito sa kakayahan ni Sereno pati na rin sa estado ng pag-iisip nito. Samantalang may iba naman na tinutukoy na pansamantala lamang ang pag-isnab ng mga ito at inihalintulad sa pagkadismaya ni Justice Secretary Leila de Lima nang mawala ito sa listahan ng mga nominado noon. (Philippine Daily Inquirer)