Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Pansate

Isang Caviteñean pancit na kahawig ng pancit canton pero mas masabaw dahil sa soy sauce gravy. Ang lasa ng noodle dish ng Cavite ay parang Indonesian noodle dish na matamis at maanghang. Masarap kainin kasama ang pandesal.

Sangkap:

  • 500 g sariwang yellow noodles (egg noodles)
  • 250 g baboy, hiwaing manipis
  • 1 malaking carrot, hiwaing manipis
  • ½ maliit na Chinese cabbage, tadtarin
  • 3 tangkay ng spring onions, hiwain
  • 3 tasang chicken stock
  • 1 kutsarang cornstarch
  • 3 kutsarang soy sauce
  • 1 kutsarang oyster sauce
  • 2 maliit na shallots, hiwain
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • sesame oil
  • mantika
  • patis
  • paminta
  • lemon wedges o calamansi

Paraan:

  1. Ihanda ang sariwang yellow noodles (ilagay sa kumukulong tubig sa loob ng 1 minuto). I-drain, hugasan sa tubig sa gripo at itabi.
  2. Maglagay ng mantika sa kawali at kapag mainit na ito ay ilagay ang baboy at igisa ito sa loob ng 2 minuto o hanggang brown, hanguin at itabi.
  3. Magdagdag ng mantika kung kinakailangan, ilagay ang shallots at bawang, idagdag ang carrots at spring onion at igisa.
  4. Paghaluin ang cornstarch, chicken stock, soy sauce at oyster sauce sa mixing bowl at pagkatapos ay ibuhos ito sa kawali at pakuluin hanggang sa lumapot ang sauce.
  5. Ilagay ang noodles at Chinese cabbage, at hayaang sipsipin ng noodles ang tubig mula sa sauce at lutuin sa loob ng 2 minuto. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.
  6. Ibalik ang baboy at lasahan ng paminta at patis. Lagyan ng kaunting sesame oil sa ibabaw.
  7. Ilagay sa serving platter at ilagay ang lemon wedges o calamansi slices.

Para sa iba pang karagdagang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net