Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pangulong Aquino, may pasalubong

Matapos ang halos isang linggo sa kanyang mga state visit sa UK at US ay umuwi na ang Pangulong Aquino dala-dala ang humigit kumulang na P100 bilyon pasalubong para sa bansa. Ipinagmalaki ng Pangulo na matagumpay ang kanyang pakikipagpulong sa mga lider ng Britanya at Amerika sa pamamagitan ng inaasahang kalakal na papasok sa bansa na aabot sa dalawa’t kalahating bilyon dolyar.

“Sa kabuuan po, ang halaga ng kalakal na papasok mula sa mga kumpanyang nakapulong natin, sa Britanya at sa Amerika: Hindi bababa sa dalawa’t kalahating bilyong dolyar, o humigit-kumulang 100 billion pesos. Trabaho po ang katumbas ng mga ito; trabahong magdadala ng pagkain sa mesa ng Pilipino. At kasabay po ng magandang balitang ekonomiko, nagbunga rin ng mas malalim pang pakikipagkaibigan ang ating pagbiyahe sa United Kingdom at sa Estados Unidos,” ayon pa sa Pangulo.-(Abante)