Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

BATH SALT NA MAY TAMANG ‘ZOMBIE’

Kalat na kalat  sa internet ang balita tungkol sa isang lalaki na parang “zombie”na kinain ang mukha ng isang palaboy sa Miami, Florida.  Ang hinala ng mga ito ay nasobrahan sa droga na tinawag nilang “bath salt” na ang epekto ay para kang magiging zombie dahil sa tama ng nasabing droga.  Sa kabilang banda,Tutok na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa pagpasok ng “bath salt” na ito, isang bagong klase ng droga na ang epekto ay mala-ecstasy (love drug) pero kung masosobrahan ay mala-zombie o cannibalism ang epekto.

 

Ayon kay PDEA Public Information Officer Evangeline Almenario, nakarating na sa kaalaman ni PDEA Director General Jose Gutierrez Jr. ang epekto ng ‘bath salt’ sa tao.

May isa pang naunang balita sa Amerika na isang lalaki rin diumano ang kumatay sa kanyang roommate, kinain ang utak nito at inilata ang pinagliit-liit na parte ng katawan kung saan magkasamang nakuha sa isang lalagyan ang basag na bungo at mga kamay ng biktima. Kumalat din sa internet na bangag diumano sa ‘bath salt’ ang suspek nang isagawa ang kakila-kilabot na krimen.

Sa ngayon ay hindi pa umano kasama sa listahan ng mga ipinagbabawal na gamot o substance ang “mephedrone” sa bansa kaya nga isinusulong na ng PDEA na maihanay ito bilang illegal substance.

Ang ‘bath salt’ ay ginagamit bilang alternatibong body scrub sa paliligo na nakakapagpaputi ng kutis ng tao. Karaniwan umanong gumagamit nito ay mga kababaihan at male gays.- (Abante)