Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pambansang araw ng pagluluksa, idineklara

Nang matagpuan kamakalawa ang labi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo sa may karagatan ng Masbate ay maraming nagluksa, mula sa gobyerno hanggang sa mga pribadong sector.  Inalala nila ang dating kalihim bilang mabuting tao at tama lamang na bigyan ng parangal ang kanyang libing. Bunsod nito pinirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Proclamation No. 460 na nagsasaad ng mga pambansang araw ng pagluluksa hanggang sa ito ay iburol at lahat ng watawat ng bansa ay itataas lamang hanggang sa kalahati (half mast). Ilan sa mga gusaling ito ay ang Malacañang, City Hall ng Naga, lahat ng opisina ng DILG, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Local Government Academy, National Police Commission, Philippine National Police at Philippine Public Safety College. (Philippine Star)