Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Ochoa, OIC ng DILG

Sa pagkamatay ni Sec. Jesse Robredo, itinalaga ni Pangulong Aquino si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. bilang officer-in-charge ng Department of Interior and Local Government (DILG) habang wala pang opisyal na hahalili kay Robredo sa nabakanteng posisyon. Ilan sa mga ahensyang hawak ng DILG ay ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at National Police Commission. Samantalang ipinahayag ni Rene Burdeos, direktor ng DILG-Cagayan de Oro, na ang posisyong nabakante ni Robredo ay isang malaking hamon dahil sa magaling na track record nito. Ngunit higit pa sa posisyon ang naiwang bakante ni Robredo dahil para kay Malou Dominguino, kawani ng DILG Public Information, inalagaan sila ng husto ng kalihim. Hindi ito nambubulyaw ngunit pinapalakas pa nito ang kanilang loob. Ibinahagi rin niya na bago ito sumakay ng eroplano ay masayang-masaya ito dahil mini-reunion ng kanilang pamilya sa Bicol sa long weekend. (Philippine Star)