Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pagkatanggal kay de Lima sa mga nominado, patas ayon kay Tupas

Sa isang panayam sa radyo, inamin ni Iloilo Representative Neil Tupas Jr. na iboboto niya bilang susunod na Punong Mahistrado si Justice Secretary Leila de Lima dahil naniniwala ito sa kakayahan ng kalihim ngunit sa kasamaang palad, nagkaroon ng dalawang kaso si de Lima na siyang naging basehan upang tanggalin ito ng Judicial and Bar Council (JBC). Isang tanong kay Tupas ay kung may personal na basehan ang pagtanggal sa kalihim, sinagot niya ito na wala. Dagdag pa ni Tupas na si de Lima, na kasapi rin JBC, ay alam ang mga patakarang ito kaya dapat tanggapin niya ito ng buong-buo at kung umapela ang Justice Secretary ay hindi na alam kung anong sasabihin ni Tupas upang ito ay maliwanagan. (Philippine Daily Inquirer)