Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pacman, nakipag-ayos sa kaaway

Kamakailan ay umani ng batikos ang boksingero at ngayo’y Saranggani Representative Manny Pacquiao hinggil  sa  pahayag na kanyang binitiwan na hindi siya pabor sa pagpapakasal ng magkaparehong kasarian ( babae sa babae at lalake sa lalake).  Hindi nagging maganda ang pagtanggap ng mga “beki” sa kanyang mga pahayag kaya’t kaliwa’t kanang “suntok” ang kanyang natanggap mula sa mga beki sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nagpaliwanag si Pacquiao hinggil sa kanyang mga pahayag na na-misquote lamang siya ng isangwriter at lumabas na hindi maganda ang kanyang mga pahayag at ang kanyang pahayag na yaon ay reaksiyon lamang sa pagsuporta ni US President Barrack Obama ukol sa same sex marriage sa Amerika.
“I’m not against the gay people,” pahayag ni Rep. Pacquiao. “I’m not condemning them.  I have a gay cousin. I have gay relatives. I have a lots of gay friends, so I’m not condemning gays. What I said is I’m not in favor of same-sex marriage. That’s the one thing I said to the guy.” Maging ang  sumulat ng article nay un ay nagpaliwanag na kaya’t naliwanagan na ang gay group na LADLAD at sinabi nilang naiintindihan na nila at sa tapos ay nagkaayos din angkampo ni Pacquiao at ang mga gay group.