Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Hunyo 12, Independence day, Protest Day

Talagang hindi paaawat ang mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang Hunro 12, kung saan ang araw na ginugunita natin ang kalayaan ng ating bansa mula sa mga mananakop, ay gagawin ding protest day laban sa bansang Tsina na gustong sakupin ang bahagi ng ating nasasakupan, ang Scarborough Shoal.

Mariing kinondena ng mga Pilipino sa iba’t ibang parte ng mundo ang ginagawang pambu-bully ng Tsina sa ating mangingisda at ayaw pa itong pangisdain sa nasabing lugar.  Ang katwiran ng mga Pinoy, bakit nila pipigilang mangisda ang ating kapwa Pinoy sa lugar na yaon eh “atin” naman iyun.  Yun ay parte ng Pilipinas na hindi dapat pinaghihimasukan ng mga banyaga.
Ang report ng worldwide protest ay nakarating sa mga mambabatas sa kamara kung kaya’t umaapela silang makiisa upang magbigay suporta at ipakita na tayong lahat ay sama-sama sa pagtatanggol sa ating soberenya.