Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Overseas voting bill magiging batas

Kampante si Akbayan Representative Walden Bello na maiipasa sa Kongreso ang overseas voting bill bago dumating ang panahon ng halalan sa 2013. Konting hakbang na lamang, aniya, at magiging batas na ito na magdudulot ng malaking tagumpay sa lahat ng Pilipino sa buong mundo. Nilalaman ng panukalang ito na ang mga Pilipinong nakatira sa ibang bansa ay maaaring makilahok at bumoto sa eleksyon. Layunin din ng panukalang ito na burahin ang terminong “absentee” upang mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino sa loob at labas ng bansa na tukuyin ang susunod na mga pinuno ng bansa. (Philippine Daily Inquirer)