Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Kutsero, patok sa mga turistang Pranses

Para sa apat na turistang Pranses na bumisita sa bansa, ang pagsakay sa kalesa ni Jamie Mayor ay isang magandang karanasan. Pagkatapos kasing sumakay ng apat na babae ay nakalimutan nito ang isang wallet na naglalaman ng limpak na euro at ito naman ay ibinalik ni Mayor. Lingid sa kaalaman ni Mayor, ang katapatang kanyang ipinakita ay nagpaangat ng turismo ng bansa. Hindi man ito naghihintay ng kapalit ay ginawaran siya ng “Dangal ng Rizal Park” Award, isang Makabayan watch at sampung libong piso mula sa administrasyon ng Luneta. Ayon sa isang turista, sa pagbabalik nila sa Pransya ay kanilang ikukwento ang katapatang ipinakita ni Mayor. Tunay na “It’s more fun in the Philippines”! (Philippine Daily Inquirer)