Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Nasing Marangle

Sangkap:

Lechon Kawali

  • 1 kg pork belly, (1 malaking piraso piece, huwag hatiin)

  • 1 buong bawang, pitpitin

  • 1 kutsarang pamintang buo

  • 4 pirasong dahon ng laurel o bay leaves

  • ¼ tasang soy sauce

  • 1 lata ng lemonade soda (7-Up orSprite)

  • asin

  • tubig

  • mantika pang-deep fry

Dried Pinakbet

  • 1 tali ng sitaw, hiwaing ng 2 inch ang haba

  • 200g okra, hiwaing ng 2 inch ang haba sliced

  • ¼ kalabasa, hiwain mga 1 inch bawat piraso

  • 2 pirasong kamatis, hiwaing maliliit

  • 1 pulang sibuyas, tadtarin

  • ½ buong bawang, pitpitin at hiwaing maliit

  • 2 kutsarang bagoong

  • 1 kutsarang asukal

  • 1/3 tasang shrimp stock

  • Patis o asin

  • paminta

  • mantika

Bagoong Fried Rice

  • 8 tasang kaning lamig

  • 4 kutsarang bagoong
  • bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • mantika

Paraan:

Lechon Kawali

  1. Hilamusan ng maraming asin at buong pork belly at balutin ng mabuti ng cling wrap at ilagay sa ref sa loob ng isang buong araw.

  2. Hugasan mabuti ang  pork sa tubig gripo para masigurong maalis ang lahat ng asin sa pork.

  3. Ilagay ang prok sa pressure cooker kasama ang soy sauce, bawang, paminta, dahon ng laurel at lemonade soda. Lagyan ng tamang dami ng tubig para malubog ang baboy.

  4. I-pressure cook ang baboy sa loob ng 20 hanggang 30 minuto depende sa kapal ng baboy.

  5. Kapag malambot na ang baboy ay hanguin mula sa pressure cooker at tuyuin ang excess liquid gamit ang paper towel.

  6. Kapag tuyo na ay ilagay sa isang container at takpan at ilagay sa ref sa loob ng 12 oras o hanggang lumamig na ito.

  7. Ihanda ang kawali ng maraming mantika pang deep fry.  Kapag mainit na ay dahan-dahan ilagay ang pork  na galing sa ref, ang balat sa nasa ilalim, maging maingat dahil tumatalsik ang mainit na mantika.

  8. I-deep fry ang baboy hanggang mag-golden brown ito.

  9. Kapag naluto na ay hiwaing pakuwadrado ( bite size) ang baby at itabi.

Dried Pinakbet

  1. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.

  2. Ilagay ang kalabasa, okra, sitaw, shrimp stock, asukal at bagoong monamon at ituloy ang paggisa sa loob ng 15 minuto sa mahinang apoy. Takpan.

  3. Lasahan ng paminta at patis o asin kung kinakailangan.

Bagoong Fried Rice

  1. Painitin ang kawali at lagyan ng 2 kutsarang mantika.

  2. Ilagay ang bawang at igisa hanggang magkulay brown ito.

  3. Ihalo ang kanin at bagoong at haluin mabuti hanggang maghalo mabuti ang kanin at bagoong.

  4. Ihalo ang dried pinakbet sa ibabaw ng kanin at siguruhing maayos ang pagkakalagay sa ibabaw ng kanin. Lutuin sa loob ng 3 minuto at patayin ang apoy.

  5. Ilagay ang kanin sa serving platter, ilagay sa ibabaw ang lechon kawali at ihain.

Photo and Recipe credits: www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *