Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

“Make It Happen with The Design Proposal” set to air on GMA Pinoy TV

Hindi lingid sa lahat na nung kasagsagan ng pandemya ay napilitang manatili ang lahat sa loob ng bahay para maging ligtas sa mapaminsalang virus na dulot ng Covid 19.

 At sa pananatiling ito ng karamihan sa atin ay may naidulot din na mabuti, bukod sa ang buong pamilya ay nagkasama-sama, ay nakagawa rin sila ng mga bagay na sama-sama nilang pinagtuunan ng pansin upang maibsan ang tinatawag na “boredom” habang nasa loob ng tahanan.

Karamihan sa atin ang nagawang mag-renovate at  i-improve ang kanilang tahanan at tulong tulong ang buong pamilya sa paraang kanilang nalalaman.

Sa pagkakataong ito, magiging mas madali na sa mga homeowners na ma-improve pa lalo ang kanilang kabahayan sa bagong programa ng GMA Network sa pamamagitan ng Canadian TV show  “Make It Happen with The Design Proposal” na nakatakdang ipalabas saGMA Pinoy TV.

Ang host ng naturang programa ay isangFilipino-Canadian Interior Designer na si Danilo Baluyot.  Ang “Make It Happen with The Design Proposal” ay isang   30-minute program na ang tatalakayin ay ang pagsi-share at paghanap ng iba’t ibang paraan upang mas ma-improve ang loob ng tahanan kasama na rin ang constriction at renovation.

Para sa unang episode ay magpo-focus ang programa sa paghahatid ng iba’t ibang interior decorating ideas , investments, renovation at home styling.

Para naman sa minimalists, may topic din sila kung paano i-utilize ang maliliit na condo spaces at iba pang useful topics ukol sa pagpapaganda ng tahanan.

Panoorin ang  “Make It Happen with The Design Proposal” sa GMA Pinoy TV simula sa October 29.