Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Mutya Ng Cavite

Creamy soup mula sa Cavite na nagtataglay ng iba’t ibang uri ng pagkaing dagat na nahahawig sa chowder.

Sangkap:
  • 8pcs large green lipped mussels, kasama ang shell
  • 250g shrimps, balatan at alisin ang vein sa likod ng hipon
  • 250g squid, hiwain
  • 250g fleshy fish, hiwaing pakuwadrado (sa lutuing ito, ang ginamit ay ling fish at salmon)
  • 150g crab meat, himayin
  • 50g butter
  • 200ml evaporated milk
  • 4 tasang clam stock
  • 4 kutsarang harina (flour)
  • 1 sibuyas, hiwaing maliit
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • paminta
  • patis
Paraan:
  1. Tunawin ang butter sa kawali at igisa sa mahinang apoy ang bawang at sibuyas.
  2. Ilagay ang harina at haluin hanggang mamuo ito.
  3. Ilagay unti unti ang sabaw ng clam (clam stock) at haluin hanggang ang namuong harina ay maging pino. Hayaang kumulo sa mahinang apoy.
  4. Idagdag ang hipon, pusit, crab meat at tahong at hayaang kumulo sa karagdagang 5 minuto.
  5. Ihalo ang isda at evaporated milk, ituloy ang pagpapakulo sa karagdagang 8 minuto pa.
  6. Lasahan ng patis at paminta.

For more recipes, please visit www.angsarap.net