Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

MILF, natuwa sa kasunduan

Ikinagalak ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front  ang “framework agreement” na napagkasunduan ng gobyerno at ng MILF ay tutungo umano sa paglikha ng isang political entity na tatawaging “Bangsamoro” na ipapalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“We are very happy. We thank the president for this,” ayon kay MILF vice chairman for political affairs Ghazali Jaafar. Nabuo ang kasunduan matapos ang panibagong negosasyon sa Malaysia.

Nabuo ang kasunduan matapos ang 32 rounds ng preliminary talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng MILF na tumagal na ng siyam na taon. –(GMA News)