Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Mandarayang Pulis, tanggal

Madaliang pagsibak ang rekomendasyon ng National Police Commission (Napolcom) sa Philippine National Police (PNP)   sa 387 bagong pulis matapos madiskubre ang pagkakasangkot ng mga ito sa dayaan sa 2011 PNP entrance examinations.  Ayon kay Rebecca Pacion, acting head ng Examination Division ng Napolcom, binibigyan nito ng 30 araw upang sibakin ang mga bagong pulis na kasalukuyang sumasailalim umano sa pagsasanay.

Iginiit ni Pacion, na sa kanilang pagsusuri sa resulta ng pagsusulit ay kanilang nadiskubre na pare-pareho ang tama at mali ng mga sagot ng mga kumuhang aplikante.

Lumitaw umano sa kanilang imbestigasyon, na naganap ang mawalakang pandaraya ng mga aplikanteng kumuha ng pagsusulit sa testing center ng Jolo, Pagadian, Koronadal at Zamboanga noong Abril 11, 2011.-(abante)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *