Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

Mie Otani, the Half Filipino/Japanese Beauty Queen

by V.O.

Si Mie Otani na tubong Nishi Kawaguchi, Saitama ay isa sa mga finalist ng Ms. Universe Japan. Si Mie ay anak nila Mr. and Mrs. Eiji Otani at dahil ang kanyang ina ay isang Pinay, siya ay may dugong Pinoy. Sa kanyang edad na 19 taong gulang, siya ay may angking ganda at taas na pang Ms. Universe.

Dalawa lang silang magkapatid at si Mie ang bunso. Nag-aral si Mie ng Tagalog at English noon sa Pilipinas at pagbalik niya sa Japan ay nagagamit niya ang Tagalog tuwing kausap ang kanyang kuya, nanay at family friend na si Reggie na hanggang ngayon ay kasama pa rin nila at sumusuporta sa kanya.

Masasabing may active lifestyle si Mie. Talent niya ang pagsayaw kaya naman ibinabahagi niya ito sa pamamagitan ng pagtuturo nito tulad ng zumba sa kanilang lugar sa Saitama. Mahilig din siya sa larong golf kung saan every week ay tinuturuan siya ng kanyang personal Japanese professional teacher. Mayroon din siyang personal trainer para mapanatili ang kanyang beauty queen body figure.

Dahil na rin sa kanyang taglay na ganda, talent at talino, siya ay mahilig sumali sa mga beauty pageant. Taong 2018, nakamit niya ang titulong Ms. Japan. Sumali rin siya sa Ms. Scuba Philippines 2018 at napanalunan niya ang award bilang Ms. Derma Care 2018, dahil sa kanyang flawless na balat. Nanalo rin siyang Ms. Universe Saitama 1st Runner Up.

Maraming audition at pagsasanay ang kanyang napagdaanan bago siya mapabilang sa finalist ng Ms. Universe Japan na gaganapin sa Tokyo. Sa ngayon, ipinagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pag-eensayo at excited na siya sa nalalapit na Ms.Universe Japan 2019. Hindi lang pamilya at mga kaibigan ni Mie ang nagbibigay suporta sa kanya, suportado rin siya ng kanyang talent manager na si Ms.Vicky Ozawa, na may talent agency na Victoria Project Co. Ltd.

Panoorin si Mie Otani sa Magusap Tayo ni Vicky Ozawa on Facebook tuwing Huwebes ng 7:30pm kung saan ibabahagi niya ang mga magagandang lugar at masasarap na pagkain sa Japan.

Abangan at suportahan natin si Mie Otani na isang Hapon na may dugong PINAY!
Facebook link: https://www.facebook.com/MagUsapTayoVickyOzawa/