Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Menudong Giniling

Sangkap:
  • 600g giniling na baboy
  • 1 tasang patatas, hiwaing maliliit
  • 1 tasang carrots, hiwaing maliliit
  • 1/2 tasang pasas
  • 1/2 tasang green peas
  • 1 malaking bell pepper, hiwaing maliit
  • 1 1/2 tasang sabaw ng manok
  • 4 kutsarang tomato paste
  • 2 kutsarang sukang puti
  • 2 kutsarang toyo
  • 1 malaking sibuyas na puti, hiwaing maliit
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 2 pirasong laurel
  • 1 kutsarang asukal
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Sa isang kaserola, maglagay ng mantika at painitin at igisa ang bawang at sibuyas. Kapag ang sibuyas ay lumambot, ihalo ang giniling na baboy at haluin hanggang magkulay brown.
  2. Ilagay ang sabaw, tomato paste, suka, toyo, asukal, patatas, carrots at laurel. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
  3. Idagdag ang bell pepper at green peas at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
  4. Lasahan ng asin at paminta.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net