Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Lechon Paksiw

Sangkap:
  • 1kg liempo ( ang taba ay dapat 20-25% para maging mas malutong)
  • 1 boteng Mang Tomas Sauce
  • 1/2 tasang suka
  • 1/3 tasang asukal na pula
  • 1 tasang pamintang buo
  • 4 pirasong tuyong dahon ng laurel
  • 2 tasang sabaw ng baka
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 1 malaking sibuyas na pula, tadtarin
  • patis (fish sauce)
  • asin
  • mantika
Paraan:
  1. Dampian ng paper towel ang 1kg ng buong liempo(hindi pa nahihiwa), hilamusan ng asin ang buong liempo at ilagay sa roasting pan na nasa ibabaw ang balat. I-hurno (bake) ang baboy sa pre-heated na oven na 180C sa loob ng isa at kalahating oras.
  2. Tanggalin sa oven ang baboy at hayaang lumamig at hiwain ng pakuwadrado.
  3. Sa isang kaserola, maglagay ng mantika at igisa ang bawang at sibuyas sa kloob ng 1 minuto.
  4. Ilagay ang hinurnong baboy(roasted pig), sabaw ng baka, suka, Mang Tomas sauce, asukal, pamintang buo at laurel, pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 45 minuto.
  5. Lasahan ng patis ( fish sauce) at lagyan ng paminta.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net