Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Maynila, da best sa street foods

Sino ba naman ang maga-akalang pati ang street food sa iba’t ibang bansa ay pinagbobotohan na rin?  Kunsabagay, may mga food channels na rin na nagta-travel ang host para matikman ang mga iba’t ibang klase ng pagkain mula sa iba’t ibang bansa.  Kamakailan lamang, ang Cable News Network (CNN) na CNNGo, ay kinilala  ang lungsod ng Maynila bilang isa sa “greatest street food cities” sa Asya.  Ayon sa artikulong “Asia’s 10 greatest food cities,” binanggit ng CNNGo ang Maynila bilang “a city filled with street food options”.
Nabanngit nila na maayos ang pagkakahain ng pagkaing inillako dahil ito ay naka-food cart at kapag pinag-uusapan ang food cart ay maayos at malinis ang mga food cart na nakikitang  naglipana sa kalye.  Sinabi rin sa naturang article na may kani-kaniyang paraan ang mga nagtitinda na maakaakit ng mamimili.  Ang chicharon, taho, balut, kwek-kwek, silog, isaw, kikiam, sago’t gulaman, banana cue at fish ball ang mga sikat na street food na nabanggit sa artikulo.  Ano pa nga ba naman ang irereklamo ng iba eh nariyan na sa harapan mo ang mga pagkaing magpapabusog sa iyo at swak na swak pa sa iyong budget.  Sa hirap ng buhay ngayon ay syempre iisipin ng ating mga kababayan ang kung ano ang pinaka-da best na kainin na kakayanin ng kanilang budget.  Syempre, ang street food.  Kung ang inaalala naman ay ang kalinisan ng mga pagkaing binibili, hindi na dapat mag-alala dahil mga mga regulasyon na ngayon na mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga ito. Kahit nagkalat sa kalye ay may paraan sila upang mapanatiling fresh at hindi madumi ang kanilang inilalakong pagkain.