Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Sharon Cuneta

Sharon Cuneta

Kamakailan lamang ay naging laman ng balita si Sharon Cuneta, hindi tungkol sa bago niyang show sa TV5 kundi dahil sa mga twitter bashers niya.  Nakipagsagutan si Sharon sa mga twitter bashers na ito dahil hindi na niya matiis ang mga pinagsasabi tungkol sa kanyang anak na is KC Concepcion at ngayon ay nadamay na rin pati ang kanyang pamilya.  At lumabas din ang balita na matagal na palang hindi nagu-usap ang mag tiyahing Sharon at Helen Gamboa-Sotto at ito ay dahil sa pulitika.  Tignan mo nga naman,  matagal nilang naitago ito ( at tama namang itago dahil hindi naman ito usaping showbiz), pero mabalik tayo sa twitter bashers na ito ni Sharon.  May katwirang magalit siya o pumatol sa mga ito dahil isa siyang ina na nasasaktan para sa anak.  Kahit sino naman ay ganun din siguro ang mararamdaman.  Pero nitong huli ay medyo nahimasmasan na si Shawie at ang huli niyang tweet ay hindi na siya papatol sa mga ganitong klaseng tao at pinapatawad na niya ito.  May mga nagpayo kay Shawie na pabayaan na lamang ang mga ito at huwag nang patulan.