Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Maybe This Time: very successful!

Tuwang-tuwang sina Coco Martin at Sarah Geronimo sa tinatamasang tagumpay ng kanilang unang-unang tambalan sa pelikula ang ,”Maybe This Time.”  Sa unang araw pa lamang ng showing ay tumabo na ito ng P20M sa takilya kaya lubos ang pasasalamat ni Coco at Sarah sa lahat ng tumangkilik ng pelikula at siguradong masusundan pa ito.  Who knows baka magkaroon ng part 2?  “Hindi ako makapaniwala, kaya nga sabi ko hindi lang nila alam kung gaano ako kaligaya na hindi ko inakala na makakagawa ako ng ganitong klaseng pelikula,” pag-amin ni Coco.
Tinanong si Coco kung ano ang rason at tinangkilik ito ng mga manonood, “Siyempre maganda ‘yung konsepto, siyempre baka na excite din sila sa unang tambalan namin ni Sarah (Geronimo) sa big screen at sabi ko nga hindi lang dahil ako ‘yung artista na umaarte dito at kasama ako sa pelikula, kundi talagang napakaganda ng pelikula.”

Dagdag pa niya”Sabi ko nga kikiligin ka, papa-in love-in ka at paiiyakin ka, kumbaga kung gusto mo talaga ng parang bago at makakapagbigay ng inspirasyon sa buhay mo at sa puso mo itong pelikulang ‘to, saktong-sakto para sa ’yo.”
Sabi nga ng iba na may chemistry daw ang dalawa kaya nag-click ito.