Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Marian, bagong dance show ni Marian Rivera sa GMA 7

May bagong show si Marian Rivera at hindi ito dram o comedy sitcom na soap opetra kundi isang dance show siguradong kagigiliwan ng kanyang mga tagahanga.  Dito makikita ang talent ni Marian sa pag-indak.  Ang orihinal sana na kahilingan ni Marian Rivera na maging pilot guests niya sa kanyang bagong dance show, ang ‘Marian’, ay ang Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos, Diamond Star na si Maricel Soriano at si Alma Moreno.

“Sana silang tatlo, kaya lang parang may sakit daw si Ms. Alma. Pero, okay lang, siguro sa ibang episodes naman ng Marian, marami pa namang pagkakataon. Pero si Ate Vi, umoo na siya sa akin at siyempre, si Inay Marya.”

Sa bawat episodes, iba-iba ang designers na magdadamit kay Marian bukod pa sa iba-ibang magagaling na choreographers din daw ang magko-choreo sa kanila.
Hindi rin malayong mag-guest ang boyfriend na si Dingdong Dantes sa “Marian” lalo pa nga at dati rin namang miyembro ng dance group ang actor.