Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Mataong Lugar, Pinaiiwasan ng Gobyerno sa panahon ng Semana Santa

Siguradong marami sa atin ang maagang nag-plano  kung saan pupunta sa panahon ng Semana Sanata.  Sabi nga ng mga matatanda, nawala na ang diwa ng pagaalala sa paghihirap ni Hesus sa pamamagitan ng pananatili na lamang sa loob ng bahay upang magtika, walang mga programa sa telebisyon o radio dahil sa obserbasyon sa mahal na araw,at marami pang mga makalumang tradisyon.

Sa makabagong panahon ay maraming nagpupunta sa iba’t ibang pasyalan para makapamasyal at mag-bakasyon sa kani-kanilang probinsya para magliwaliw. Pero nagpaalala ang pamahalaan na hindi pa rin tapos ang pandemya.  Unti-unti mang bumababa ang kaso ng coronavirus sa bansa ay hindi pa rin dapat magpakasasa sa pagsasaya ( na hindi naman dapat dahil semana santa) at malimutan ang health protocol.

Ipinaalala ng pamahalaan ng umiwas sa matataong lugar dahil baka ito pa ang maging mitsa ng muling pagdami ng kaso ng covid sa bansa lalo pa at mayroon na naman bagong variant na Omicron XE na pwedeng makapasok ng bansa kung tayo ay magpapabaya.