Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Dagdag sahod at Allowance para sa mga Gurong Pollwatchers

Photo Credit: ABS-CBN News

Sa tuwing may eleksiyon ay hindi maaaring mawala ang mga guro na kasama sa pollwatchers para masubaybayan at maging maayos ang pagboto ng mga botante.

Hindi rin lingid sa lahat ang mga sakripisyo ng mga guro habang hindi umuuwi ang mga ito hangga’t hindi pa nagsasara ang presinto hanggang sa bilangan ng boto sa kani-kanilang mga presinto. Kaya naman abot-abot ang pasasalamat ng lahat sa mga guro dahil sa kanilang pagiging matapat sa kanilang mga tungkulin.

Noong mga nakaraang eleksyon ay binibigyan lamang sila ng konting  honoraria at allowance para sa kanilang pagsisilbi. Subalit, siguradong matutuwa ang karamihan sa mga guro na magsisilbi ngayong eleksyong pampanguluhan dahil magkakaroon ng mas mataas na honoraria at allowance ang mga teachers bilang pasasalamat sa kanilang tulong.

Ayon kay  Department of Education (DepEd) Undersecretary Analyn Sevilla, ang commission ay naglaan ng dagdag budget para sa election pay ng mga guro pagkatapos nitong makipag-usap sa Comelec at Departmenr of Budget (DBM).  Ang dagdag na P1,000 sa karaniwang tinatanggap nila tuwing may eleksiyon at depende rin sa kani-kanilang posisyon sa mismong araw ng halalan.

Bukod pa riyan, may idinagdag din ang Comelec para sa  transportation allowance, communication allowance, anti-COVID allowance at medical at accident insurance.

Maraming mga guro ang natuwa sa inilahad ng Comelec at DepEd dahil hindi nga naman biro ang magsilbi sa eleksyon ang mga guro lalo na sa may mga lugar na peligro.