Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Mas Madamdamin Pang Mga Eksena, Aabangan sa “The Greatest Love” Finale

Alamin kung papaano magtatapos ang kuwento ng karakter ni Gloria, at kaniyang mga anak sa “The Greatest Love” finale,
na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC at may streaming sa key countries worldwide via TFC online (TFC.tv) simulcast sa Philippine airing nito

Hinangaan at kinapulutan din ng aral ng mga manonood ang kuwento ng “The Greatest Love,” na tungkol sa buhay ni Gloria (Sylvia Sanchez) na nagpakita ng wagas na pagmamahal para sa kaniyang mga anak at pagsasakripisyo upang mapanitiling buo ang kaniyang pamilya.

Naging simbolo ang kaniyang karakter ng katatagan dahil sa kabila ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease, pinatunayan niyang hindi mapapantayan ng kahit ano man ang pagmamahal ng isang ina, isang bagay na lubos din na nagpahanga sa mga manonood.

Pinatunayan din ng kuwento ni Gloria at ng kaniyang mga anak na sina Amanda (Dimples Romana), Andrei (Matt Evans), Paeng (Aaron Villaflor), Lizelle (Andi Eigenmann), at ng apong si Z (Joshua Garcia) na kayang lamapasan ang ganitong mga pagsubok, basta manatili ang pagmamahal at pag-asa sa puso ng bawat isa.

At dahil nga sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa mahigit pitong buwan na pag-ere ng serye, lubos ang pasasalamat ng bida nitong si Sanchez sa pagtangkilik ng mga tagasubaybay hanggang sa pagtatapos nito.

Hindi ko malilimutan ang pinaramdam sa aking pagmamahal at respeto bilang tao at artista ng mga manonood,” sabi ni Sanchez.

Dagdag ni Sanchez: “Malungkot ako dahil maghihiwa-hiwalay na kami. Pero masaya rin ako kasi matatapos ang teleserye nang maganda at gusto ng lahat.

Dahil na rin sa nakakaantig na kuwento ng serye, mas naging matibay pa ang pagmamahal ni Sanchez sa kaniyang pamilya at nabago ang paniniwala sa pag-ibig. Aniya, “ mas lalong pinagtibay ang paniniwala ko na ang pamilya ang pinakaimportante sa mundong ito. Wala rin sino mang makakaharang sa taong tunay na nagmamahalan.

Talaga namang tinututukan ng mga manonood ang mga madadamdaming mga eksena ng “The Greatest Love,” kaya naman patuloy itong nangunguna sa national TV ratings. Nagkamit na nga ang serye ng all-time high national TV rating na 20.4% ayon sa datos ng Kantar Media Television Audience Measurement (TAM) isang local television audience viewership measurement company. Araw-araw rin itong trending topic sa social media at umaani ng libo-libong tweets mula sa netizens.

Naging daan din ang serye upang mamulat ang mga manonood sa sakit na Alzheimer’s disease at ang epekto nito sa pamilya. Inorganisa ng programa ang “Remembering Our Greatest Love: An Alzheimer’s Disease Awareness Forum” sa tulong ng Alzheimer’s Disease Association of the Philippines (ADAP), upang magpalaganap ng kaalaman tungkol sa naturang sakit.

At sa nalalapit nitong pagtatapos sa April 21, mas marami pang dapat abangan dahil marami pang rebelasyon ang gugulat at magpapaiyak sa mga manonood na dapat tutukan ng lahat.

Huwag palalampasin ang pagtatapos ng hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng isang ina para sa kaniyang mga anak sa “The Greatest Love,” na mapapanood sa labas ng Pilipinas via TFC. Magkakaroon din ng streaming ang finale sa key countries worldwide via TFC.tv simulcast sa Philippine airing nito sa ABS-CBN sa April 21, 4:10 p.m. (Manila Time). Maaari namang balikan ang mga nagdaang episodes via TFC online (TFC.tv) at TFC IPTV sa key countries worldwide.