Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Awra Briguela itinanghal na kauna-unahang “Your Face Sounds Familiar Kids” Grand Winner

Muling balikan kung paano nabihag ni Awra Briguela ang puso ng mga manonood at judges sa kaniyang transformation bilang rapper na si Nicki Minaj,
via TFC online (TFC.tv) at TFC IPTV sa key countries worldwide

Hinirang bilang kauna-unahang “Your Face Sounds Familiar Kids” grand winner ang tinaguriang Breakout Child Star na si Awra Briguela matapos niyang makuha ang pinakamataas na pinagsamang scores ng jury at public text votes sa two-part grand showdown ng programa noong April 8 at 9, na napanood sa TFC at mapapanood pa rin sa key countries worldwide via TFC online (TFC.tv) at TFC IPTV.

Bago ang kaniyang performance, isang VTR ang ipinakita kung saan nagbiro si Briguela sa host na si Billy Crawford at sinabing “Ako ang nagsimula, ako rin ang magtatapos. Awra!” tinutukoy niya dito ang kaniyang unang transformation bilang si Dionisia Pacquiao, kung saan itinanghal siya bilang unang weekly winner ng programa.

Kaya naman ikinagulat mismo ni Briguela na siya ang itinanghal na grand winner, kung saan nakakuha siya ng 95.41% na score. Ito ay matapos niyang mapahanga ang mga manonood sa kaniyang galing sa pag-rap at nakakaaliw na performance bilang ang sikat na American female rapper na si Nicki Minaj.

Maging ang mga judges na sina Ogie Alcasid, Sharon Cuneta, at Gary Valenciano ay humanga sa huling transformation at performance ni Briguela, at pinaalalahanan siyang ipagpatuloy ang pagiging inspirasyon sa mga nangangarap na maging katulad niya.

Bilang premyo, nag-uwi siya ng Php 1 milyon na cash, house and lot, at trip to Jeju Island, South Korea for four.

Samantala, tinutukan ng mga manonood ang dalawang gabing pagtatapos ng “Your Face Sounds Familiar Kids” matapos nitong manguna sa national TV ratings, ayon sa datos ng Kantar Media TAM o TV Audience Measurement, isang local television audience viewership measurement company. Nakakuha ang programa ng national TV rating na 35.3% sa April 8 episode nito, habang 38.3% naman ang nakuha ng programa para sa April 9 episode nito.

Naging mainit na usapin din sa social media ang final showdown matapos manguna ang official hashtags ng palabas na #YFSFGrandShowdown at #YFSFGrandWinner sa listahan ng trending topics sa Twitter.

Muling balikan ang winning transformation at performance ni Briguela at ng iba pang Kapamilya child stars sa “Your Face Sounds Familiar Kids: Grand Showdown” na mapapanood sa key countries worldwide via TFC online (TFC.tv) at TFC IPTV, at available hanggang May 9.