Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Manny Pacquiao VS Timothy Bradley

Bumalik na ang sigla sa pag eensayo ng pambansang kamao na si Manny Pacquio, ito ay matapos siyang magkasakit at dumating na rin sa Los Angeles California. Ang kanyang bagong Asst. Traineer na si Marvin Somodio.

Matapos ang dalawang araw na pagkakasakit, pananamlay ng katawan dala ng lamig/init ng temperatura sa Los Angeles. Bumalik na sa training si Pacquiao.

Sinimulan niya ang isang light run sa umaga at pag eensayo sa hapon. Humarap siya sa kanyang mga partners na ang tanging pakay ay sugurin ng sugurin ang pambansang kamao para masanay siya sa istilo challenger na si Timothy Bradley.

Wala na ang baks sa tila ba sinat na ininda ni manny sa nakalipas na dalawang araw. Mabuti naman at tahimik at walang intriga sa kasalukuyang training camp ng may sumingaw naman na tila lamat sa loob ng kampo ng team ni Pacquiao ng lumabas nga ang 24/7 episode 2 road Pacquiao/Bradley. Ang pagkainis ng quality intrainner na si Freddie Roach sa mga inaasal ni conditioning coach na si Ariza, na iniwan ang training camp T.Pacquiao sa Baguio upang magbigay ng atensyon sa isang niyang kliente na si Julio Cesar Chavez Jr.

Nandito na rin sa L.A. si Marvin Somodio ang pinili ni coach Fredie na mag silbing Asst. niya at katuwang sa pangangalaga kay Pacman. Unti unti ng itinuturo ni coach Freddie kay Marvin ang mga rituwal na ginagawa nila sa training camp na sa Lunes ang papasok na sa fixed stage. (hango sa GMA News)