Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Lumalala ang Problema sa Fish Kill

Malaking perwisyo sa mga mangingisda ang fish kill sa Laguna Lake pinapayuhan naman ang mga fishpen owner sa Taal na hanguin na ang kanilang isda.

Problemado ang mga mangingisda ng Laguna Lake sa kita dahil ang kikitain nila ay sa pagtutustus sa darating na pasukan ng kanilang mga anak at sa kakainin nila sa araw araw.

Dahil sa fish kill mayroong 10 tolenada na ang nawala na kanila o nasa kalahating milyong piso pagkalugi.

Paliwanag ni LLDA-Gen.Manager Neric Acosta na laganap ngayon ang fish kill sa eastside ng bansa tulad sa Calamba,Pangil Laguna at Jala-jala Rizal. Nagmula raw ito sa mga dumi ng factory at subdivison na tinatapon sa ilog at kumakalat pag umuulan.

Unang una na ang mga factory kapag may iba’t ibang mga waste o may waste water ng mga heavy metal na kasama, mercury at iba pa…

 

Ang payo naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, hanguin na sa sampung araw ang mga isda sa Taal Lake para maiwasan ang fish kill.