Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Mall Operators, Mahigpit na Ipinatutupad ang Safety Protocols

Mula nang ibinaba ng pamahalaan ang level alert sa Metro Manila ay walang hapyaw ang pagbuhos ng mga tao sa iba’t ibang malls kasama ang kani-kanilang mga anak.

May mga humihiling na kung pwede ay limitahan ang edad ng mga bata na pumapasok loob ng mall.

Ang apela ng mga mall operators ay ipinarating sa kinauukulan kasunod sa pagpapatupad ng IATF ( Inter-Agency Task Force)  na magpatupad ng age restriction sa mga batang kasa-kasama ng kanilang magulang sa mall.

Ang  kanilang layunin ay upang maiiwas ang mga bata na hindi pa bakunado na mahawa sa loob ngmall dahil sa dagsa ang mga tao ngayon sa mall dahil na rin sa nalalapit na Kapaskuhan.