Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Heart Evangelista: Ang Pagbabalik

Medyo matagal ring hindi gumawa ng soap si Heart Evangelista. Pero kahit hindi siya napapanood sa soap ng GMA 7 ay hindi naman siya nawawala sa social media kung saan nakikita pa rin siya ng kanyang mga tagahanga kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan.  Noong kasagsagan ng Covid-19 last year ay ang social media ang napagtuunan ng mga artista na libangan.  Dahil sa matagal na lockdown, nagkaroon sila ng pagkakataon na gamitin ang social media para maipaabot sa kani-kanilang mga tagahanga kung ano ang update sa kanila dahil tigil- trabaho nga lahat.

Isa si Heart na laging nagpo-post kung ano ang update sa buhay niya pati ang kanyang mga hobbies.

Social media rin ang nagbigay ng pagkakataon sa mga artista natin na kumita, kahit walang face to face na taping sa studio ay nagkaroon sila ng hobby na vlogging.

Bukod sa pagiging abala ni Heart sa pagtulong sa paghahanda sa pagkampanya para sa kanyang asawa na si Chiz Escudero ay naghahanda na rin si Heart para sa kanyang bagong TV soap na ipapalabas sa GMA 7, ang pinalabagong primetime romance-drama series,  ang , “I Left My Heart in Sorsogon”

Kasisimula pa lamang ng naturang soap ay maganda agad ang response ng viewing audience.

Highly anticipated ang romance-drama na I Left My Heart in Sorsogon dahil Nasabik ang mga tagahanga kay Heart Evangelista at bukod pa sa kanya ay maganda rin ang roster ng cast ng naturang teleserye. Bukod kay Heart ay makakasama rin niya ang isa sa bagong Kapuso leading man na si Richard Yap at ang multi-awarded Kapuso Actor na si Paolo Contis.

Gagampanan ni Heart ang role ni Celeste, isang fashion designer at socialite na engaged kay Tonito na ginagampanan naman ni Richard Yap.

“I can relate to Celeste in some ways because she’s so fashionable, she’s always dressed up yet somehow she uses her clothes as armor because you don’t really know the turmoil that is happening inside her,” pagtatapat ni Heart.

Para naman kay Richard, ang kanyang character ay naiiba, “Si Tonito, masyado siyang giving minsan to a fault… ‘di ko yata magagawa sa totoong buhay ‘yun,” natatawang lahad ni Richard. “But one thing you can learn here is to just give and give love until it hurts because that’s really all you can do. Hindi mo lang ma-expect na you will receive the same love, but as long as you give it sincerely, you’ll be happy with whatever it is that you get.”

Napilitang bumalik si Celeste sa kanyang hometown, ang Sorsogon, ang lugar kung saan mayroon siyang naiwang mapait na alala. Iniwan niya ang lugar ng Sorsogon para makipagsapalaran sa Maynila.

Naiwan niya rin ang kanyang dating minahal na si Mikoy, na ginagampanan naman ni Paolo Contis.

Bukod kina Heart, Richard at Paolo ay makakasama rin nila ang ilan sa mahuhusay na talents ng GMA 7, ang fast-rising teen stars na sina

Kyline Alcantara na gaganap bilang si Tiffany, ang 18-year-old daughter ni Tonito na paminsan-minsan ay rebelled pero deep inside ay isang sweet at warm na tao.  Kasama rin si Mavy Legaspi na gaganap bilang si Sebastian, ang nawalay na half-brother ni Celeste na guwapo, charming at maangas.

Kasama rin si Michelle Dee na gaganap bilang si  Hazel, ang girlfriend ni Mikoy na kumukonsidera kay Heart bilang threat at balakid sa kanilang relasyon.  Si  Rey PJ Abellana bilang si  Patricio, ang ama ni Celeste,  si  Isay Alvarez bilang si Lucinda, ang namatay na ina ni Celeste, si Shamaine Centenera-Buencamino bilang si  Adora, ang stepmother ni Celeste at ina ni  Sebastian, si  Marina Benipayo bilang si Vivian,  ang nakakatandang kapatid na babae ni Tonito, si  Debraliz Valasote bilang si  Lola Ikay, ang lola ni Mikoy, si  Issa Litton bilang si  Aurelia, ang ex-wife ni Tonito at marami pang ibang mahuhusay na support actors ng GMA 7.

Ang original series na I left My Heart in Sorsogon ay nasa ilalim ng pamamahala ng  GMA Entertainment Group sa pamumuno ni SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, FVP for Drama  Redgie A. Magno, SAVP for Drama Cheryl Ching-Sy,  Senior Program Manager Redgynn S. Alba, at Executive Producer Michelle Borja.

Ang director ng series ay si  Mark Sicat Dela Cruz. Bukod sa magandang istorya ay masisiyahan din ang mga manonood sa kakaibang experience dahil habang nanonood sila ng serye ay makikita rin nila ang magagandang tanawin ng Sorsogon tulad ng  Paguriran Island at Lagoon, Bulusan Lake, Sorsogon City Rompeolas, at Sorsogon State University Library na mapi-feature sa show na may guidance at support mula sa Sorsogon Tourism Office.

Tayo na at manood ng I Left My Heart in Sorsogon upang ma-experience natin ang kakaibang istoryang handog ng Kapuso Network at ng mga Kapuso Artists sa pangunguna ni Heart Evangelista. Let’s explore the beauty and magic of Sorsogon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *